Nagbabala ang Department Of Tourism o DOT sa mga turistang nagbabalak mag-prisenta ng pekeng COVID-19 swab test.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpataw ng parusa para sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa lokal na turismo.
Paalala ng DOT, responsibilidad ng bawat isa ang pagsunod sa mga ipinatutupad na guidelines at safety protocol.
Una rito, napaulat ang pagkalat ng mga pekeng swab test result ang pagsasagawa ng mga hindi otorisadong pagtitipon sa mga tourist destinations.