Inakusahan ng Israel ang Turkey na nagpopondo umano sa mga aktibidad ng teroristang Islamic State.
Ayon kay Israeli Defense Minister Moshe Yaalon , matagal nang panahon na nakikinabang sa pera ng turkey ang IS.
Ito ay dahil sa IS aniya kinukuha ng Turkey ang suplay nila ng langis.
Gayunman, mariing itinanggi ng Turkey ang natural alegasyon at iginiit na di sila kalian man tumangkilik sa smuggling ng langis IS.
Matatandaang karamihan sa mga sinasakop ng IS sa Iraq at Syria ang mga lugar na may imbakan ng langis.
By Ralph Obina