Inakusahan ng Russia ang Turkey na siyang nagsu-supply ng armas at military equipment sa mga mandirigma ng Islamic State sa Syria.
Sa isang liham sa UN Security Council, isiniwalat ni Russian UN Ambassador Vitaly Churkin na nagpadala umano ang 3 Turkish foundations sa ISIS ng mga pampasabog at industrial chemicals na nagkakahalaga ng 1.9 million dollars.
Iginiit din sa liham na simula noong 2011 ay nakapag-supply na ang isang foundation ng halos 8,000 sasakyan at iba pang kagamitan sa mga teritoryong kontrolado ng ISIS.
By Jelbert Perdez
Photo: Reuters