Apat na pulis ang patay habang 14 na iba pa ang sugatan sa panibagong pagsabog sa Southeastern Turkey.
Naganap ang pambobomba malapit sa isang bus terminal sa Diyarbakir City.
Ayon sa mga awtoridad, dumaraan sa naturang lugar ang isang special forces vehicle nang pasabugin ang car bomb.
Dahil sa malakas na pagsabog, nagkalat din ang basag-basag na salamin ng mga bintana ng isang high rise building.
Kumbinsido naman ang Turkish Government na mga miyembro ng ISIS o Kurdish Rebel ang nasa likod ng panibagong pag-atake.
By Drew Nacino
Photo Credit: (AP Photo/Mahmut Bozarslan)