Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Eastern Turkey.
Naitala ang pagyanig sa bayan ng Puturge na sakop ng Malatya Province.
Ayon sa Turkey’s Disaster and Emergency Management Directorate, may lalim ang lindol na 6.7 kilometers at techtonic ang pinagmulan nito.
Wala namang naitalang nasawi, nasugatan o napinsala sa pagyanig pero patuloy pang nagsasagawa ng scanning ang mga otoridad sa nasabing lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero