Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Turkey ngayong araw.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometro timog silangan ng probinsya ng Mugla, isang popular na tourist destination sa Aegean Sea.
May lalim itong 10 kilometro.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa naturang pagyanig.
—-