Tiniyak ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Eyren Akyol na patuloy susuportahan ang modernization program sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang sinabi ng naturang ambassador sa isinagawa nitong courtesy call kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa Camp Aguinaldo.
Napag-usapan ang kakayahan ng Turkish Defense Industry na magbigay ng suplay ng mga makabagong kagamitang pandigma.
Nagpasalamat naman si General Centino sa tulong ng pamahalaan ng Turkey sa isinagawang nabanggit na modernisasyon sa AFP tulad na lamang ng Philippine Air Force Attack Helicopter Acquisition at Philippine Army M113 APC Fire Power Upgrade Project.
Samantala, iminungkahi ni General Centino na palawakin ang Memorandum of Understanding (MOU) on defense industry cooperation upang mas lumawak ang kooperasyon ng militar. - sa panunulat ni Jenn Patrolla.