Handang wasakin at pabagsakin ng Syria ang mga Turkish warplane na mamamataan sa kanilang teritoryo.
Ito ang babala ng Syria sa gitna ng preparasyon ng Turkey para sa military operation upang durugin ang mga Kurdish fighter sa Syrian-Turkish border.
Ayon kay Syrian Deputy Foreign Minister Faisal Mekdad, sakaling sumalakay sa bayan ng Afrin, Syria ang Turkish Forces ay wala silang magagawa kundi gumanti na maaaring pagmulan ng panibagong digmaan.
Una ng inianunsyo ng Estados Unidos na sasanayin nito ang mga miyembro ng Syrian Democratic Forces bilang bahagi ng kanilang “border force” bagay na ikinadismaya ng Turkey lalo’t kinikilala bilang mga terorista ang mga Syrian-Kurd.
Nakikilala ang mga Kurdish fighter bilang bahagi ng militia forces na sinanay ng US upang labanan ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
—-