Muling niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Turkiye at Syria.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre, may lalim ang pagyanig na 2 kilometro o 1.2 milya.
Tumama ito alas-otso kwatro ng gabi (oras sa Turkiye) na pinaka-naramdaman sa Antakya at Adana.
Nagdulot naman ng panic sa mga tao at rescuers ang isa pang lindol na naramdaman din sa Israel at Lebanon.
May ilang ulat naman na maraming gusali ang nadagdag sa nasira ng lindol at asahan pa ang aftershocks.
Noong unang linggo ng Pebrero, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Turkiye na sumentro at nagdulot din ng matinding pinsala sa Central Antakya, na ikinasawi ng libo-libong katao.
Sinabi naman ng EMSC na ito na ang ika-12 lindol na tumama sa border ng Turkiye at Syria sa nakalipas na 68 oras.