Umabot na sa 385,437 registered overseas voters ang nakaboto na para sa Halalan 2022 kahapon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, ito ay 23 percent ng 1,697,215 registered voters abroad.
Sinabi pa niya na inaasahan ng ahensya na malalampasan nito ang mga dating voter turnout ng eleksyon.
Nabatid na nasa 65% o 233,137 ang voter turnout noong 2004, 26% o 118,823 voters noong 2010 at 31% o 430,696 voters noong 2016.