Nasusunog ang tuktok na bahagi ng Mt. Apo sa davao.
Sinabi sa DWIZ ni Pol. Sr. Supt. Felixberto Abrenica, Davao Bureau of Fire Regional director na hindi pa nila alam ang pinagmulan ng apoy na tumutupok ngayon sa Mt. Apo.
Nagpadala na aniya ito ng mga bumbero sa lugar para mag-imbestiga at tingnan ang sitwasyon.
Doble hirap aniya ang mga bumbero dahil kailangan pang umakyat ng bundok .
Sinabi ni Abrenica na gumamit na ng helicopters ng Armed Forces of the Philippines para maagapan pang lumawak ang sakop ng sunog.
Hindi masabi ng opisyal kung grass fire ang pinagmulan ng sunog o mayroong mga nagkaingin o kaya ay nag-camping sa bahagi ng nasusunog na bundok.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)