Sa 2016 pa ibubuhos ng Pangulong Noynoy Aquino ang kaniyang panahon para ikampanya ang pagpapatuloy ng inumpisahan niyang tuwid na daan.
Ayon sa Pangulo sa panayam sa Tokyo, Japan, dapat na pag-isipang mabuti ng mga tao kung gusto nilang bumalik sa dati o sa kasalukuyang kalagayan at ipagpatuloy ang pag-unlad ng bansa.
Tiwala aniya ang Pangulo na ang mga taong nagbigay sa kanila ng pagkakataon na magpatupad ng mga pagbabago ay mas nais na magpatuloy ang positibong direksyon na tinatamasa sa kasalukuyan.
Wala pa namang tinutukoy na partikular na kandidato ang pangulo subalit nangako itong isasa publiko ang i-eendrosong Presidentiable matapos ang kaniyang SONA sa Hulyo.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)