Ipalalabas ng Malakaniyang sa lahat ng mga broadcast companies ang kanilang anti-drug advertisement ngayong araw
Laman ng nasabing ad ang pinaigting na kampaniya ng pamahalaan upang sugpuin ang problema ng bansa sa iligal na droga
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, layon nitong palawakin pa ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa masamang epekto ng droga sa buhay ng tao gayundin sa pamilyang Pilipino
Ginawa ang naturang ad ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza ng libre at may inendorso ng Movie, Television Review and Classification Board o MTRCB
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 23) Aileen Taliping