Dumipensa si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga alegasyon ng maagang pangangampanya.
Ito’y matapos lumabas ang TV advertisement ni Marcos na nagpapaliwanag bakit niya ibinasura ang Malacañang version sa panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Iginiit ni Marcos na hindi ito political advertisement o pangangampanya para pabanguhin ang kanyang pangalan kundi isang ulat sa bayan.
Nais aniya niyang ipaliwanag sa taumbayan kung ano ang mga batayan kung bakit kailangang ibasura ang isang panukala na sa tingin nya ay mahalaga sa mga taga-Mindanao.
Binanggit ni Marcos na mayorya ng taumbayan ay hindi naman nakakapanood ng mga public hearings at hindi alam ang mga pinagbatayan kung bakit kailangang bumuo ng isang substitute bill ng BBL.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)