Isang tv reporter ang nabiktima ng “basag-kotse gang” sa Kamuning Road sa Quezon City kagabi.
Ayon sa biktimang si Steve Dailisan, pinarada niya ang kanyang Mitsubishi Montero sa tapat ng Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital Pasado Alas-9:00 kagabi dahil may dadalawin siya doon.
Wala pa aniyang 30 minuto, tinawag siya ng guwardiya ng ospital dahil napansin nitong basag na ang salamin ng kanyang sasakyan.
Natangay ng mga suspek ang isang bag na may lamang laptop, isang gym bag, hard drive at iba pang gadgets, at pera.
Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 ang halaga ng mga gamit na natangay mula kay Dailisan.
By: Meann Tanbio