Sumampa na sa 29 ang patay habang nasa mahigit 100 ang sugatan sa kambal na pagsabog sa Istanbul, Turkey.
Sa unang pag-atake, pinasabog ang isang car bomb sa labas ng Vodafone arena football stadium sa may Bosphorus.
Habang ang ikalawang pagsabog ay naganap malapit sa isang parke.
Ayon kay Interior Minister Suleyman Soylu, target ng car bomb ang isang police bus.
Sinabi naman ni President Recep Tayyip Erdogan na intensyon ng mga pagsabog ang ‘maximum loss of life’ o pagkasawi ng maraming indibidwal.
Samantala, hawak na ng Turkey police ang 10 suspek na nasa likod ng twin blast.
By: Mheann Tanbio