Matagumpay na naresolba ng Batangas Police ang twin robbery sa Radio Nation 105.5 FM station at isang Law office sa Padre Garcia sa Lipa City, Batangas ngayong linggo matapos matunton ang pinagtataguan ng mga suspek.
Ayon kay Lt. Col. Ariel Azurin, commander ng Lipa City police, lutas na ang nangyaring nakawan sa Maraña Law office sa Brgy. Marauoy, Lipa City, Batangas noong nakalipas na Oktubre 12. Kabilang sa mga kinuhang gamit sa law office ang isang Macbook kung saan ginamit ang APP para malaman ang kinaroroonan ng ninakaw na laptop sa barangay Quisao, Pililia, Rizal.
Natagpuan ang laptop sa mag-live-in partner na sina Erica May Antibo at Joel Pilapil nang inspeksyunin ay magkapareho ang serial number ng Macbook Pro-16 sa ninakaw sa Maraña Law office. Narekober din sa bahay ng mga suspek ang iba’t ibang kagamitan.
Kaagad namang ipinarating sa Padre Garcia Municipal Police Station (MPS) at nag-dispatch ng team at napag-alamang ito ang mga ninakaw na gamit sa radio natin FB station noong Oktubre 10.
Dati nang nasakote si Pilapil alyas “John Joel Sales Pilapil” noong Nobyembre 27, 2015 sa Brgy. Marfrancisco, Pinalamayan, Oriental Mindoro sa kasong pagnanakaw ng mga kagamitan at pera, ngunit nakapagpiyansa.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon