Kinumpirma ng Twitter na ibinebenta nito ang kanilang platform sa billionaire entrepreneur na si Elon Musk.
Nabatid na aabot sa 44 billion dollars ang deal value ng isa sa most influential social media platforms sa buong mundo.
Paliwanag ni Twitter Board Chair Bret Taylor, naniniwala sila na ito ang pinakamainam na hakbang para sa mga stockholder ng nasabing platform.
Sinabi ng Twitter na nakipagkasundo si Musk sa purchase price na 54.20 dollars per-share.
Matatandaang kamakailan lamang ay nakuha rin ni Musk ang malaking share sa Twitter.
Sinabi naman ni Musk, na isa ring self-proclaimed “free-speech absolutist”, na marami siyang planong gawin sa Twitter, kung saan kabilang dito ang pagpapahusay ng features nito at labanan ang spam bots.