Aalisin ng Twitter ang mga accounts na ginawa lamang para i-promote ang iba pang social platforms at content na naglalaman ng mga link o username.
Ang nasabing hakbangin ay makakaapekto sa content mula sa social media platforms tulad ng Facebook at Instagram ng Meta, Mastodon, Truth Social, Tribel, Nostr at post habang pinapayagan ang cross content posting.
“Why?” at “Doesn’t make sense” lamang ang naging tugon ni dating Twitter CEO Jack Dorsey na nag invest na ngayon sa Nostr sa nasabing hakbangin ng Twitter.
Hindi naman kabilang ang short video platform na Tiktok, na pag aari ng Bytedance limited ng China, sa nasabing listahan nang aalisin ng Twitter.
Una nang nagpatupad ng umano’y chaotic actions ang Twitter simula nang bilhin ito ni Elon Musk na CEO ng Tesla.