Nanawagan sa mga user ang Twitter na palitan ang kanilang password matapos madiskubre ang ‘error’ na naka-store sa log-in information sa kanilang sistema.
Sa ipinalabas na advisory ng Twitter, humingi ito ng paumanhin sa publiko dahil sa natukoy na “bug” na nag-iipon ng mga password sa isang internal log.
Nilinaw naman ng social media giant na walang indikasyon na nagkaroon ng “breach” kung saan agad din naman nilang naayos ang problema at natanggal ang ‘stored passwords’ na nakaapekto umano sa “encrypting process”.
We recently found a bug that stored passwords unmasked in an internal log. We fixed the bug and have no indication of a breach or misuse by anyone. As a precaution, consider changing your password on all services where you’ve used this password. https://t.co/RyEDvQOTaZ
— Twitter Support (@TwitterSupport) May 3, 2018