Magpapatupad ng Two Week ban ang Hongkong sa mga incoming flights mula sa walong bansa kabilang na ang Pilipinas dahil sa pinangangambahang ika limang wave ng COVID-19 infections.
Ito’y inanunsiyo ni Hong Kong Leader Carrie Lam na epektibo ang ban simula January 8 hanggang 21.
Kabilang sa mga bansa na hindi papayagan ang incoming flights ay mula sa Australia, Canada, France, India, Pakistan, Amerika, Britain At Pilipinas.
Nakapagtala ang hongkong ng tatlumpu’t walong bagong kaso ng covid-19 kung saan isa lamang dito ang local community transmission.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Department of Foreign Affairs hinggil sa naturang travel ban.