Maaari nang isumbong ng publiko 24-oras ang mga lumalabag sa batas trapiko o anumang aksidente o krimen na kanilang masasaksihan sa kalsada.
Kahapon ay inilunsad ng Highway Patrol Group (HPG) at isang telecom company ang kanilang 24/7 text line na 7444 -474.
Ayon kay HPG Director Chief Superintendent Arnel Escobal, maaari din nilang isumbong ang mga makikita nilang nangongotong sa mga motorista.
Paliwanag ni Escobal, may bayad na piso ang kada text sa hotline at dapat nakasaad sa kanilang mensahe ang lugar kung saan nangyari ang insidente.
Tiniyak naman ng HPG na mayroong nakahandang sumagot sa kanilang hotline at magpadala agad ng tulong.
(Ulat ni Jonathan Andal)