Inihayag ng Department of Health (DOH) na napakataas o “very high” ng tyansa ng local transmission ng Omicron subvariant na BA.5.
Kasunod ito nang ma-detect ang BA.5 sa 2 indibidwal mula sa Bulacan na walang travel history abroad maliban sa pagpunta sa polling precint sa Metro Manila.
Paliwanag ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag daw kasi na-detect na ang subvariant sa ating komunidad ay malaki na ang index of suspicion na mayroong local transmission.
Pero nilinaw niya na ang BA.5 ay hindi pa itinuturing na community transmission sa bansa.