Malaki umano ang tyansa ng mga COVID-19 survivors na magkaroon ng neurological issues gaya ng posibilidad ng stroke.
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Neurological Society (PNS) sa halos 11,000 COVID patients, lumabas na 26% sa mga ito ang nakaranas ng neurologic symptoms.
Kabilang sa mga sintomas ay sakit ng ulo, problema sa pang-amoy, mas mahabang tulog, problema sa panlasa at pananakit ng kalamnan.
Nasa 3.37% naman sa mga ito ang nakaranas ng stroke habang mahigit 5% ang nagkaroon ng “encephalopathy o diffused involvement of the brain”.