Hindi na papasok sa bansa ang Severe Tropical Storm na may international name na “Chan Hom”.
Sa final weather advisory ng PAGASA kaugnay sa naturang bagyo, ang sentro nito ay pinakahuling namataan sa layong 1,515 kilometro silangan, hilagang-silangan ng dulong Hilagang Luzon.
Lumakas pa ang bagyo na nagtataglay ng hanging umaabot sa 110 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 135kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kph pa-kanluran, hilagang-kanluran.
Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy pa ang paglakas ng bagyo na maaaring umabot sa typhoon category mamayang gabi o bukas ng umaga.
Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na pinakahuling namataan sa layong 230 kilometro silangan, timog-silangan ng Daet, Camarines Norte.