Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo na may international name na Goni, na inaasahang papasok sa bansa bukas ng hapon at tatawagin na bagyong Ineng.
Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 2,050 kilometro sa silangan ng Gitnang Luzon.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 140 kilometro kada oras, malapit sa gitna, at pagbugso na maaring umabot sa 170 kilometro kada oras.
Ang bagyong Goni ay kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sinabi ng PAGASA na hindi pa mararamdaman ang epekto ng bagyo, sa loob ng susunod na tatlong araw.
By Katrina Valle