Nasa karagatan na ang Typhoon Henry habang magabal na kumikilos pahilaga patungong silangan ng Taiwan.
Kaninang alas-5 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometers silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 km/h at pagbugsong aabot sa 185 km/h.
Dahil sa bagyo, nakataas ang Signal 2 sa buong Batanes habang signal number 1 sa Babuyan Islands at northeastern portion ng Mainland Cagayan partikular sa Santa, Ana.
Kaya asahan na ang malalakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar at pinag-iingat ang lahat sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Hanggang ngayong weekend inaasang lalakas pa ang Bagyong Henry bago mag-landfall ngayong gabi sa Southern Islands ng Ryukyu Archipelago.
Inaasahang lalabas ito ng bansa ngayong gabi o bukas ng umaga bago magtungo sa silangan ng China.