Humina na ang Bagyong Inday habang kumikilos patungong hilagang bahagi ng bansa at palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo, alas-10 kagabi sa layong 515 kilometers hilaga-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Ayon sa PAGASA weather bureau, ang bagyong Inday ay may lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour habang mabagal ang pagkilos nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
Asahan naman na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa partikular na sa Visayas dahil sa epekto ng bagyong Inday.
Sa ngayon, patuloy pang minomonitor ng PAGASA ang bagyong Inday na inaasahang lalabas na ng bansa ngayong araw.