Patuloy ang paglakas ng binabantayang Typhoon Kammuri na papangalanang Tisoy pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 1,350 kilometro silangan ng Southern Luzon.
Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 130 kph (kilometro kada oras) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 160 kph.
Ang bagyo ay kumikilos pa kanluran sa bilis na 25 kph at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga, Disyembre 1.
Sinabi ng Pagasa na pagpasok ng PAR, aabutin pa ng 3 araw bago ito tuluyang tumama sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region.