Binabayo na ng typhoon Maria ang China matapos mag-landfall ang bagyo sa Fujian Province.
Mahigit dalawandaan pitumpung libo (270,000) katao na ang nagsilikas habang isinara na ang mga paaralan sa Zhejiang Province pa lamang kung saan nasira rin ang ilang kalsada at ilang kabahayan.
Daan-daang puno at poste naman ang natumba dahil sa lakas ng hanging aabot sa isandaan siyamnapu’t limang (195) kilometro kada oras at pagbugso na hanggang dalawandaan animnapung (260) kilometro kada oras.
Una ng sinalanta ng bagyong Maria o Gardo ang Taiwan matapos dumaan sa karagatan ng Pilipinas.
—-