Ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi na papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Nangka.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,250 kilometro hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.
Bagamat hindi na ito papasok sa PAR, patuloy naman nitong paiigtingin ang epekto ng habagat kaya’t patuloy na mararamdaman ang epekto nito sa northern at central Luzon.
Samantala, may panibagong sama ng panahon ang namataan sa labas ng PAR.
Nasa typhoon category ang lakas nito ngunit masyado pa itong malayo sa ating PAR.
By Ralph Obina