Nanalasa ang Typhoon Nesat sa Taiwan.
Bunsod nito, binaha ang Taiwan at nawalan ng kuryente ang ilang lugar dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng bagyo.
Nagbabala naman ang weather bureau ng Taiwan sa malalakas na pag-ulan sa silangan at dakong timog na mga probinsya dahil na rin inaasahan na bubuhos ng hanggang 900 millimeters ng tubig sa ilang apektadong lugar.
- Meann Tanbio