Bahagyang humina ang lakas ng Typhoon Ursula habang patungong kanluran hilagang-kanluran ng West Philippine Sea.
Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyong Ursula sa layong 100 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang hanging may lakas na aabot sa 130 kph (kilometers per hour) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.
Kumikilos ito pa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Kasalukuyan paring nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Oriental Mindoro, at Calamian Islands (Coron, Culion, Busuanga)
Signal No. 1 naman sa Bataan, Laguna, Cavite, Batangas southwestern Quezon (Sampaloc, Lucban, Tayabas, Lucena, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan), Marinduque, western Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera, Calatrava, San Andres, San Agustin, Odiongan, Sta. Maria, Ferrol, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose), at sa ibang parte ng extreme northern Palawan kabilang ang Cuyo Islands (Linapacan, El Nido, Taytay, Araceli, Agutaya, Magsaysay, Cuyo),Northwestern Antique (Libertad, Pandan, Caluya) at northwestern Aklan (Malay, Nabas, Buruanga, Ibajay).
Dahil dito, nagbabala pa rin ang Pagasa sa posibleng storm surge na aabot sa isa hanggang dalawang kilometro sa mga coastal areas sa Occidental Mindoro at Calamian Island.
Samantala, tinanggal na ng Pagasa ang Signal number sa silangang bahagi ng Romblon.