Inihayag ni Dallas Mavericks player Tyrell Terry ang kanyang pagreretiro sa basketball.
Isiniwalat ni Terry sa social media na inaatake siya ng anxiety dahil sa paglalaro ng basketball.
Ito ang naging dahilan niya kaya’t nagpasya siyang magretiro at tinawag niya rin itong pinakamadilim sa kanyang buhay.
Matatandaang naglaro si Terry ng labing isang games sa Dallas at umalis sa koponan noong Oktubre 2021.
Samantala, nagpasalamat ang basketball player sa mga naniwala sa kaniya at humingi ng pasensya sa pagretiro sa basketball. —sa panulat ni Jenn Patrolla