Magpapatuloy ang pag-uusap sa pagitan naglalabang grupo sa Libya na Libyan National Army (LNA) ni Khalifa Haftar at Government of National Accord (GNA) ngayong Pebrero.
Pangungunahan ito ng United Nations bilang tagapagpamagitan matapos namang mabigo na makabuo ng kasunduan sa unang pag-uusap sa Geneva noong nakaraang linggo.
Ayon sa U.N., nagpasiya ang magkabilang panig na ipagpatuloy ang diyalogo sa February 18 sa Geneva.
Sinabi ng U.N., kapwa layon ng LNA at GNA na makabalik ng Libya ang mga taong nawalan ng tirahan doon dahil sa giyera pero walang mapagkasunduan ang mga ito sa gagawing mga hakbang.