Nag donate ng P10-milyon halaga ng medical supplies at equipment ang U.S. military para sa mga frontliners sa Pilipinas.
Kabilang sa mga inihatid ng ilang miyembro ng U.S. army, marines, at air force ay personal protective equipment (PPEs) at medical supplies para sa mga ospital sa 10 lalawigan sa bansa.
Ilan sa mga medical supplies na ibinigay ng U.S. military ay disposable gloves, masks, medical clothing, ibat-ibang uri ng face protection at tools tulad ng infrared thermometers.
Ayon kay Captain Tim Johnson, team leader ng Civil Military Support Element , ang hakbang ay pagpapakita nila ng matatag na pagkakaibigan sa Pilipinas at pakikipag kaisa sa lahat ng mga paraan para labanan ang nasabing virus.