Tiniyak ni U.S. Navy Admiral Harry Harris, commander ng U.S. Pacific command ang suporta ng Amerika sa kampanya ng Pilipinas laban sa Islamic State sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Harris sa kanyang courtesy visit sa Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command sa Zamboanga City kung saan nagkaroon sila ng close-door meeting ni Lt. Gen. Carlito Galvez.
Ayon kay capt. Jo-Ann Petinglay, spokesman ng AFP-Westmincom, iprinesenta ni Galvez ang mga report kaugnay sa technical assistance ng Estados unidos Sa operasyon ng military laban sa maute group.
Hindi naman anya lihim ang the technical support na ipinagkaloob ng US Military sa mga tropa ng gobyernong nakikipagsagupaan sa mga terorista sa Marawi City.
By: Drew Nacino
SMW: RPE