Dumating na sa Subic Bay international airport ang malaking bilang ng U.S. military vehicle at heavy equipment na gagamitn sa “Balikatan 2016” Joint Philippine-U.S. military exercises simula March 18 hanggang April 22.
Ayon kay Robert Chester, Director ng Liberty Call Logix Corporation, ang military cargo ay kinabibilangan ng mga humvee vehicle, truck, jeep, back hoe at bulldozer.
Gagamitin anya sa humanitarian at disaster relief assistance maging sa community projects ang bahagi ng mga nasabing cargo.
Tumanggi namang mag-komento ni Chester kung ipakakalat ang mga nasabing equipment sa apat na air base at isang army camp sa ilang bahagi ng bansa na una ng tinukoy ng U.S. bilang kanilang temporary base.
Ang mga ito ay ang antonio Bautista air base sa puerto princesa, Palawan; basa air base sa Florida Blanca, pampanga; fort magsaysay sa Palayan, Nueva Ecija; lumbia airport sa Cagayan de Oro city at Mactan-Benito Ebuen air base sa Cebu.
By: Drew Nacino