Bukas na simula kaninang alas-6 ng umaga ang U-turn slot sa EDSA malapit sa Quezon City Academy.
Sinabi ng Quezon City government na para lamang sa light vehicles ang naturang U-turn slot.
Bawal ding dumaan sa Quezon City Academy U-turn slot ang mga sasakyang galing sa Misamis Street at SM Annex gayundin ang mga galing sa Nueva Ecija Street.
Binuksan din ang bahagi ng U-turn sa Dario Bridge subalit para lamang ito sa emergency vehicles at marked government vehicles.
Tutulong ang QC Task Force on Transport ang traffic management, Task Force Disiplina at Quezon City Police District para magmando ng trapiko sa mga nasabing U-turn slots.