Sisimulan na ng University Athletic Association of the Philippines ang (UAAP) season 84 sa Pebrero ng susunod na taon.
Ito ay matapos ihinto ng dalawang taon ang laro bunsod ng ipinatupad na quarantine restrictions sa bansa.
Ayon kay UAAP President Nonong Calanog, ang lahat ng basketball at volleyball athletes ng UAAP ay kumpletong bakunado na laban sa COVID-19.
Sinabi pa ni Calanog na papayagan lang na makapagtraining ang lahat ng mga atleta ng uaap kung fully vaccinated ang mga ito.
Pansamantala namang naka-iskedyul sa Abril ng susunod na taon ang iba pang laro ng UAAP.—sa panulat ni Angelica Doctolero