Magbibigay ng allowance ang gobyerno ng United Arab Emirates para sa mga mamamayan na may mababang sahod kada buwan.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bigyan ng budget ang mga UAE citizen na kumikita ng mas mababa sa AED 25,000 o nasa P378,800 kada buwan.
Layunin nitong matulungan ang mamamayan para sa kanilang paggastos partikular na sa pagkain, kuryente, krudo at iba pang pangunahing bilihin kung saan, mula sa dating AED14-b ay dodoblehin na ito ng AED28-b.
Ito ay sa ilalim ng social support program para mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga low-income families.
Kabilang sa mga lugar na binubuo ng UAE ay ang pitong lugar kabilang na ang Abu Dhabi (Kabisera), Ajman, Dubai, Fujairah, Ras Al Khaimah, Sharjah At Umm Al Quwain.