Kasama na ang United Arab Emirates (UAE) at Hungary sa mga bansang sakop ng travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito maituturing na travel ban kundi travel restrictions lang dahil pinapayagan pa rin ang pagdating ng mga Pilipino.
Samantala, epektibo ang paghihigpit na ito mula ika-17 hanggang ika-31 ng Enero, taong kasalukuyan.