Magbibigay ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) ng tatlong buwang grace period para sa mga dayuhan kabilang ang Pilipinong mayroong expired na visit visa.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Consul General Paul Raymund Cortes ang mga Pilipinong mayroong expired na visit visa na samantalahin na ang alok ng UAE government upang makaiwas sa anomang multa o parusa.
Alinsunod sa ipinapatupad na grace period, mayroon lamang hanggang November 17, 2020 ang mga mayroong expired na visit visa para umalis sa naturang bansa ng walang multa at pagkakalooban pa ng waiver para sa re – entry.
Samantala, nagpapatuloy naman ang repatriation sa mga Pilipinong nais nang umuwi sa bansa basta may kaukulang dokumento o outpass clearance mula sa UAE government.