Nag paabot ng pagsuporta ang leader ng United Arab Emirates (UAE) sa muling pagbangon ng mga Pilipino sa kabila ng patuloy na pagaalburoto ng bulkang Taal.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Mohamed bin Zayed Al Nahyan, Deputy Supreme Commander ng UAE, kanilang ipinagdarasal na malampasan ng bansa ang pangyayari nang mayroong “least losses”.
Bukod dito, nakasaad din sa mensahe na handa ang UAE na magbigay ng suporta sa Pilipinas anuman ang kailanganin.
Samantala, ipinost din ang naturang mensahe sa wikang Filipino sa kanyang Twitter account.
Ipinapaabot namin ang pakikiramay sa mga mamamayan ng Pilipinas sa pagputok ng Bulkang Taal. Ipinagdarasal naming matapos ito nang may kaunting pinsala. Nakikiisa ang UAE sa Pilipinas sa hamong ito at handang magbigay ng suporta at tulong.
— محمد بن زايد (@MohamedBinZayed) January 19, 2020