Labing limang (15) milyong dolyar kada buwan ang ipinangako ng gobyerno ng UAE o United Arab Emirates sa Gaza Strip.
Ayon sa Palestinian Joint Liability Committee, layon ng naturang pondo na mapabuti ang kondisyon sa naturang teritoryo sa kabila ng patuloy pa ring kaguluhan sa lugar.
Kabilang sa ilalargang proyekto ay nakatutok sa relief, humanitarian at development projects sa Gaza.
Inatasan naman bansang Egypt na tutukan at pangunahan ang paghawak ng nasabing pondo.
By Rianne Briones