Likas na mayaman sa antioxidant ang ubas at pasas, lalo na ‘yung masyadong mapula o maitim.
Ang pinatuyong ubas o pasas, pati na ang alak na gawa sa ubas o red wine, ay makukuhanan pa rin ng antioxidant.
Ayon sa mga eksperto, kailangan ng katawan ang antioxidant dahil nakapagbibigay ito ng proteksyon mula sa ilang uri ng mga sakit.
Bukod dito, pinapabagal din nito ang proseso ng pagtanda ng pisikal na katawan ng tao.
Aktibo kasing nilalabanan ang mga free radicals sa katawan na may kaugnayan sa mabilis na pagtanda ng mga cells sa katawan at pagkakaroon ng sakit na kanser.