Ilalarga ng Department of Transportation and Communications o DOTC ang ‘UBE express’ ngayong araw.
Ito ang bagong bus transport system na naglalayong ihatid ang mga pasahero mula sa Ninoy Aquino International Airport patungo sa ilang stratehikong destinasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio abaya, pangangasiwaan ang ube express ng kumpaniyang Air 21at mayroon itong flat rate na P300 kada pasahero.
Magbababa ang UBE express bus sa ilang hotel sa Maynila tulad ng Midas, Hotel Jen at Manila Hotel sa bahagi ng Roxas Blvd.
Habang sa Glorietta 4 at 5 gayundin sa Ascott Hotel naman sa lungsod ng Makati kung saan ito may terminal.
Ang mga bagong bus ay gawa ng Mercedes Benz, may libreng wifi, on – board attendant service at CCTV.
Ngunit limitado lamang ito sa 24 na pasahero sa bawat biyahe bagama’t may malaki itong baggage compartment para sa mas kumportableng biyahe.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)