A-apela sa LTO o Land Transportation Office ang samahan ng Uber kaugnay sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act.
Ayon kay Ivan Klaud, Pangulo ng Philippine Transport Network Organization, ang Uber ang pinaka-tinamaan ng batas dahil walumpung porsyento (80%) ng kanilang operasyon ay nakasalalay sa gadgets.
Tiniyak ni Klaud na handa naman silang sumunod sa batas subalit mangangailangan pa sila ng panahon para isa-ayos ang kanilang operasyon.
Ngayong Huwebes ay nagsimula na ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act kung saan limang libong piso (P5,000.00) ang multa sa unang pagkakataon ng paglabag sa batas.
“Medyo malungkot nga sa’min sa side namin dahil ito’y talagang 80% ng aming ikinabubuhay eh galling sa app. Kung pasahero kami dito medyo mabigat sa amin lalo na kapag nag re-reroute ang pasahero, tulad ko, yung aking windshield merong camera, nasa likod ko yung camera, so, kung tatanggalin koi yon pano naman yung aking proteksyon?”, bahagi ng pahayag ni Ivan Klaud, pangulo ng Philippine Transport Network Organization sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)