Bilang na ang araw ng mga application-based taxi tulad ng uber taxi na bumibiyahe nang walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, mahigit sa 2 buwan na ang naibigay na palugit sa mga uber taxi para iparehistro ang kanilang sasakyang ipinangha-hanapbuhay subalit hanggang ngayon ay wala pang nagtutungo sa LTFRB.
Sinabi ni Ginez na kauna-unahan sa buong mundo ang panuntunan na kailangang kumuha ng prangkisa ang mga uber taxi.
Maliban sa mai-impound ang sasakyan, P200,000 ang naghihintay na multa sa mga hindi rehistradong uber taxi.
Kasabay nito, sinabi ni Ginez na hiniling na rin nila sa Bureau of Internal Revenue na busisiin kung nagbabayad ng buwis ang mga nag-ooperate ng uber taxi.
“Lumipas na po ang Hunyo, July, Agosto na po ngayon pero hindi pa po sila nagrerehistro sa atin, grab car pa lang ang aming na-accredit, ang ating sagot po natin diyan, kung ang tindahang sari-sari store ay kinakailangan pong kumuha ng barangay clearance at kumuha ng mayor’s permit before itong makapagbukas, bakit po natin papayagan ang mga unregistered, unfranchised na mga pribadong sasakyan na walang security sa ating mga kababayan.” Ani Ginez.
By Len Aguirre | Ratsada Balita