Nagdiwang ang mga parokyano ng Uber matapos na muling magbalik-operayon ang naturang Transport Network Company kahapon.
Ito ay matapos na bayaran ng Uber ang 190 milyong piso para bawiin na ang isang buwang suspensyon na ipinataw dito.
Idinaan ng mga Uber rider ang kanilang kagalakan sa pamamagitan ng hashtag Uber is Back na nag-trending pa sa social media.
Binatikos din ng mga netizens ang LTFRB o Land Transportation and Franchising Regulatory Board dahil sa pagiging ganid umano sa pera.
Bukod sa mga mananakay, nagdiwang din ang mga Uber partner driver dahil maaari na ulit silang makapagbiyahe ngayon.
Kasabay nito, dismayado naman ang maraming taxi driver dahil hihina na naman umano ang kanilang kita ngayong operational na naman ang Uber.
By Rianne Briones